Pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang pamamahagi ng cash assistance sa mga nagbalik loob na mga dating rebelde sa Region 8.
May 35 dating rebelde mula sa Northern Samar at 16 din mula sa Eastern Samar ang nakatanggap ng package assistance na nagkakahalaga ng P2.9 million sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Ang aktibidad ay itinaon ni Abalos sa kanyang pagdalo sa pulong ng Joint Regional Task Force Region 8-Enhanced Local Communist Armed Conflict (JRTF8-ELCAC) sa Eastern Visayas.
Kasabay nito,ang pag-demilitarize ng Philippine National Police sa 56 na armas na isinuko ng mga dating rebelde at binayaran sa pamamagitan ng ECLIP program.
Samantala, ikinatuwa ni Secretary Abalos ang resulta ng pagpupulong.
Muli niyang inulit ang layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipadama sa mga nasa grassroots level ang presensya ng gobyerno.
Tukoy na rin nila ang mga Local Government Units na nangangailangan ng suporta at kinakailangang tulong alinsunod sa mga programa ng JRTF-ELCAC. | ulat ni Rey Ferrer