Malaki ang pasasalamat ni Dinagat Island Rep. Alan Ecleo sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na tutulungan ang Dinagat na bumangon.
Nitong Biyernes nang pangunahan ng Pang. Marcos Jr. ang “Walang Gutom 2027” at pagpaaabot ng tulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa probinsya.
Dito muling binigyang diin ng chief executive na hindi lang ang pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura dahil sa bagyong Odette ang aayusin ng pamahalaan ngunit pati ang pagpapalakas sa turismo ng Dinagat.
Magandang balita ito ani Ecleo lalo at nakabinbin pa ang kanilang request para sa pondo ng pagsasaayos ng mga imprastrkatura.
“We welcome the continuing commitment of our President to the People of Dinagat Islands which he showed in the aftermath of Odette, even before the start of his administration. We share the President’s vision for a more connected Dinagat Islands, that is why among our many other initiatives, we are also pushing for the province to be a part of the planned Eastern Nautical Highway,” ani ecleo
Ayon kay Ecleo, sa pananalasa ng bagyong Odette, 85% ng mga paaralan ang nasira, maliban pa sa 32,000 kabahayan at tinatayang P2.5-billion na halaga ng imprastraktura. | ulat ni Kathleen Jean Forbes