Diplomasya at mapayapang pagresolba sa Israel-Hamas conflict, ipinanawagan ni Pangulong Marcos, kaisa ng ASEAN at Gulf leaders

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangangamba ang Pilipinas sa tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng karahasan sa nagpapatuloy na Israel – Hamas conflict.

“The Philippines is deeply concerned about the rising number of victims and the safety of all persons, as well as the dire humanitarian consequences of the conflict in Israel and in Gaza,” ani President Marcos.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng kumpirmasyon na mayroon pang isang Pilipino ang nasawi dahil sa gulo noong umatake ang Hamas sa Israel.

Umaasa ang pangulo na magpapatupad ng effort ang lahat ng panig, upang mapababa ang tensyon at karahasan sa Israel at Gaza.

“We hope that all parties will exert their utmost efforts to de-escalate the situation, stop all violence, and engage in dialogue and diplomacy.” —Pangulong Marcos.

Sa intervention ng pangulo sa ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, sinabi nito na ang mga inisyatibong ito ay dapat na alinsunod pa rin sa rules-based international order upang masiguro ang stability sa lugar.

“Peace and stability are indispensable to ensuring continued prosperity in our respective regions and of the world,” —Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, sinuportahan rin ng pangulo ang panawagan ng ASEAN at GCC leaders para sa pagpapahinto ng karahasan sa Middle East at pagbibigay ng humanitarian air sa Gaza war victims.

Kung matatandaan, una nang nanawagan ang ASEAN leaders na idaan sa diplomasya at mapayapang negosasyon ang pag-resolba sa Israel – Hamas conflict.

Kasabay ng panawagan sa siguruhin ang pagkakaroon ng isang ligtas at agarang pagbubukas ng humanitarian corridor. | via Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us