Welcome para kay House Speaker Martin Romualdez ang atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Department of Agriculture (DA) na gamitin ang sobrang koleksyon ng taripa mula sa bigas para tulungan ang mga magsasaka.
Batay sa direktiba ni Pangulong Marcos, Jr. sa DA, anomang kita na sosobra sa ₱10-billion na kailangan sa RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund ay maaari nang gamitin pantulong sa mga magsasaka gaya ng drying, mechanization, at iba pang kagamitan para mapataas ang kanilang produksyon.
Sa paraang ito, mapapababa ang gastos sa produkyon na magreresulta naman sa mas mababang presyo ng bigas para sa mga mamimili.
“This gesture manifests the unwavering resolve of President Marcos, Jr. to boost agricultural production, particularly of rice, to ensure a stable supply of food for every Filipino family at affordable prices and uplift the lives of our farmers,” sabi ni Romualdez.
Sa ilalim kasi ng Rice Tariffication Law (RTL), ang makokolektang taripa mula sa inangkat na bigas ay ilalaan para sa ₱10-billion pondo ng RCEF na siyang gagamitin naman para mapataas ang kapasidad at ani ng mga magsasaka ng palay.
“The excess collections from rice tariffs channeled into supporting our rice farmers will enable them to access modern farming technologies, improve their agricultural practices, and ultimately increase their productivity. Moreover, this initiative will foster resilience within our agricultural sector, ensuring that we continue to meet our domestic rice requirements and reduce our dependency on rice imports,” dagdag niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes