DMW at OWWA tiniyak ang tulong na maibibigay sa mga umuwing OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik-Pinas na kahapon ang 90 Pilipino mula sa Saudi Arabia matapos lumapag bandang ala-12:00 ng tanghali kahapon ang kanilang sinasakyang eroplano sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport.

Dito ay sinalubong sila ng mga kawani mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon sa DMW, ilan sa mga bumalik na OFW ang nagsabing sila ay nakaranas ng traumatic na mga karanasan sa kanilang mga amo sa Saudi Arabia habang ang ilan sa kanila ay nagkasakit o may mga violation sa naturang bansa.

Isa sa mga nakausap ng Radyo Pilipinas ay si Nurhaya Asan Sulaiman, na nagtrabaho bilang domestic helper ng mahigit apat na taon. Sinabi niya na hindi siya pinayagang gumamit ng kanyang cellphone, hawakan ang kanyang mga gamit, o magtago ng kanyang sariling pera. Dagdag pa niya, namatay ang kanyang asawa habang siya ay wala.

Dahil din umano sa hindi pagpapagamit sa kanya ng telepono ng kanyang amo ay nahihirapan siyang ma-contact ang mga mahal niya sa buhay dito sa Pilipinas.

Si Sulaiman ay isa sa mga masuwerteng nakauwi kahapon. Habang may nasa lima pang OFW ang dapat sumama sa kanila, ngunit sila ay nakaranas ng mga pagkaantala sa pagproseso ng mga dokumento o hindi nakasama sa paunang flight.

Nauna nang sinabi ng DMW na ang mga bumalik na OFW ay binigyan ng inisyal na pinansyal na suporta na US$200 bago umalis ng Saudi Arabia.

Sila ay binigyan din ng karagdagang cash aid pati na rin mga pagkain at hygiene products ng DMW at OWWA nang sila ay dumating sa bansa.

Ang mga repatriates ay dadaan din sa medica at psychosocial assessment ng mga ahensya ng pamahalaan.

Habang ang mga uuwi naman sa kanilang mga probinsya ay sasagutin din OWWA habang ang ilan ay mananatili muna sa mga hotel na sagot rin ng pamahalaan habang naghihintay ng kanilang mga flight. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us