Inihahanda na ng Department of Migrant Workers o DMW ang mga gagawin nitong hakbang para sagipin ang mga Pilipinong naipit sa gulo sa Israel at Gaza Strip.
Katunayan, isang pulong balitaan ang ipinatawag ng DMW ngayong hapon na pangunguahan ni DMW Officer-In-Charge, USec. Hans Leo Cacdac.
Una rito, kinumpirma ni Department of Foreign Affairs – Office for Migration Affairs Usec. Eduardo de Vega na itinaas na sa level 3 ang alerto sa Gaza Strip kasunod ng mga isinasagawang air strike ng Israeli forces laban sa Hamas.
Dahil dito, ipatutupad na ang voluntary repatriation sa mga Pilipino na nagnanais nang lumikas sa Gaza Strip dahil sa tumitinding sitwasyon doon.
Kasalukuyang nananatili naman sa alert level 2 sa Israel subalit may rekomendasyon na ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na itaas na rin ito sa alert level 3. | ulat ni Jaymark Dagala