Nagpalabas na ng “notice to proceed” ang Department of National Defense (DND) para sa pagbili ng tatlong bagong C-130J-30 aircraft.
Nakatakdang i-deliver ng American Aerospace company, Lockheed Martin, ang tatlong eroplano sa July 2026, October 2026 at January 2027.
Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, ang karagdagang kapasidad ng C-130J-30 aircraft, at ang “reliability” ng mga kasalukuyang C-130 ng Philippine Air Force ay magpapalakas ng kanilang “operational flexibility”.
Sa pamamagitan aniya ng mga naturang eroplano ay mas epektibong magagampanan ng Phil. Air Force ang kanilang mga “tactical Mission”.
Kasalukuyan aniyang napapakinabangan ng Phil. Air Force ang mga C-130 sa Humanitarian and Disaster Relief Operations, at ang karagdagang mga C-130J ay magpapatatag sa credible defense posture ng bansa. | ulat ni Leo Sarne