DND, lumahok sa 12th Seoul Defense Dialogue at defense exhibit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Undersecretary Irineo Mercado ang delegasyon ng DND na lumahok sa 12th Seoul Defense Dialogue Dialogue at Seoul International Aerospace and Defense Exhibit (ADEX), sa Republic of Korea (ROK).

Sa defense dialogue, tinalakay ng DND kasama ang mga defense officials mula sa 50 bansa ang mga hamon sa kapayapaan at estabilidad sa Indo-Pacific region, ang sitwasyon sa Korean peninsula at pinaigting na kooperasyon sa gitna ng mga pagbabago sa “security environment”.

Sa defense exhibit naman ay nagkaroon ng pagkakataon si Usec. Espino na makausap ang mga potensyal na supplier para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.

Nakipagpulong din si Espino kay outgoing ROK Vice Minister of National Defense Shin Beom-chul at ROK Chief of Navy Admiral Lee Jong-Ho, kung saan tiniyak ng mga opisyal ang matatag na relasyong pandepensa ng Pilipinas at ROK.

Binisita din ng delegasyon ng DND ang Hanwha Ocean at HD Hyundai Heavy Industries (HHI) kung saan kanilang ininspeksyon ang progreso ng paggawa sa dalawang bagong corvette na kinontratang bilhin ng Pilipinas noong 2021 sa halagang P28 bilyon. | ulat ni Leo Sarne

📷: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us