DND, nagpasalamat sa mga bansang sumuporta sa Pilipinas laban sa pangha-harass ng China sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang paghahayag ng suporta sa Pilipinas ng ibang mga bansa kasunod ng huling insidente sa Ayungin Shoal.

Ito’y matapos ang nangyayaring pagbanga ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa lang ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa pahayag ngayong araw, sinabi ni Defense Spokesperson, Dir. Arsenio Andolong na kinikilala nila ang gobyerno ng France, South Korea, at Japan na tumindig sa Pilipinas sa mapanganib at iligal na hakbang ng China sa West Philippine Sea.

Una nang nagpahayag ng suporta ang United States of America, Australia, Canada at iba pa.

Pareho-pareho ang posisyon ng naturang mga bansa na nagsasabing walang legal na basehan ang pag-aangkin ng China sa malaking bahagi ng West Philippine Sea at ang agresibong paghadlang ng China sa Freedom of Navigation ay nakakaapekto sa katatagan ng Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us