Sa kabila ng inaasahang dalawang Yellow Alert sa supply ngayong linggo at sa susunod na linggo muling tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang magiging supply ng kuryente sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Lunes.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, nakahanda na ang mga power plants sa bansa na makapaghatid ng sapat na supply bago at pagkatapos ng halalan.
Kaugnay nito, nakipagpulong na ang kalihim sa National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) kasama ang mga power companies upang tiyakin na walang preventive maintenance service ang bawat power plant at maging ang kahandaan ng transmission lines sa darating na halalan. | ulat ni AJ Ignacio