DOE, nagbabala sa publiko kaugnay sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal ng ahensya para manghingi ng pera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nababala ang Department of Energy (DOE) sa publiko kaugnay sa mga indibwal na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal ng ahensya para makapanloko.

Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ng tanggapan ni Energy Undersecretary Felix Fuentebella na mayroong mga indibidwal ang nagpapanggap gamit ang pangalan ng opisyal at nanghihingi ng donasyon para sa Philippine Red Cross.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOE na sa ilalim ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, pinagbabawalan ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na manghingi ng pera.

Nagpaalala naman ang DOE sa publiko na isumbong sa kanila ang mga ganitong insidente sa numero na 8479-2900 o mag-email sa [email protected].

Papatawan naman ng parusa ang sinumang mapatutunayang namemeke ng kanilang pagkakakilanlan at nagpapanggap na mga opisyal ng DOE. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us