Nagpapatuloy ang Department of Energy (DOE) sa pag-iisip ng mga polisya sa pagsusulong ng mas mura at abot kayang electric vehicle sa Pilipinas.
Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, nag-iisip na ang kagawaran upang mas mapababa ang presyo ng electric vehicle sa bansa.
Dagdag ni Fuentebella na kinakailangan na mas maging competitive ang presyo ng e-vehicle upang mas makabawas sa pagkonsumo ng mga produktong petrolyo at makatulong sa environment dahil zero emissions ang nasabing mga sasakyan. | ulat ni AJ Ignacio