Nais irekomenda ng Department of Energy (DOE) sa mga policy makers sa bansa na pag-aralan ang tax system ng Energy sector hinggil sa ilang panukala sa Kongreso na suspendihin na ang Excise Tax sa produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, mahalaga na pag-aralan muna ng policy makers ang mga sektor na natutulungan sa nakukuhang karagdagang buwis sa petrolyo.
Isa na nga dito, aniya, ang 4Ps at iba pang sektor na nababahagian ng nakokolektang buwis sa produktong petrolyo. | ulat ni AJ Ignacio