DOH, pinabulaanan ang kumakalat na impormasyong may ospital ng kagawaran na naka-lockdown

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinanggi ng Department of Health (DOH) sa isang pahayag ang kumakalat na mensahe sa social media na nagsasabing isang ospital diumano ng kagawaran ang naka-lockdown sanhi ng isang pasyenteng may Coronavirus.

Ayon sa DOH, ang nasabing mensahe ay peke dahil wala umanong ospital nila ngayon ang naka-lockdown at nananatiling bukas at operational ang lahat ng DOH hospitals sa bansa.

Pinapayuhan naman ng kagawaran ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa sa internet at tanging kumuha ng mga ulat pangkalusugan mula sa mga opisyal na DOH platforms. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us