DOH Region 1, nagbigay ng libreng serbisyong medikal, mga gamot at assistive devices sa isinagawang “Lab for All” Caravan sa Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpamahagi ang Department of Health (DOH) – Ilocos region ng iba’t ibang assistive devices sa mga PWD sa Binalonan, Pangasinan sa paglulunsad ng “Lab For All” (Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” caravan noong Oktubre 24, 2023 sa Ramon J. Guico, Sr. Sports and Civic Center.

May kabuuang 100 wheelchair, 50 foldable walker, 50 saklay para sa matatanda, 6 na saklay para sa pedia at 2 walker para sa pedia ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.

Sa pangunguna ni First Lady Liza Araneta-Marcos, nagbigay rin ng libreng konsultasyon, x-ray, laboratory services at mga gamot sa mga residente ng Pangasinan.

Ayon sa First Lady, ang proyektong ito ay kasama sa pangako ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr., na dalhin ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga tao at huwag antayin na sila pa ang pumunta sa mga hospital upang magpagamot

Aniya, sa pamamagitan ng suporta ng iba pang ahensya ng gobyerno sa naturang caravan, titiyakin na ang pangunahing pangangalaga at iba pang serbisyo ng gobyerno ay makakarating sa lahat ng mga probinsya.

Nagbigay rin ang regional office ng 3,539 na doses ng bakuna sa HPV, 2,800 na doses ng bakuna laban sa trangkaso at 500 na doses ng bakunang pneumococcal.

Ang iba pang logistics na ibinigay ay ang oral health packages, FP commodities, nutribox, herbmap, assorted spectacles at iba’t ibang maintenance medicines na nagkakahalaga ng ₱1-milyon.

Sinabi ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na patuloy silang maghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan, lalo na sa mga nasa GIDA upang matiyak na kanilang matatanggap ang pinakamahusay na pangangalagang pangkalusugan.

Ipinabatid pa na kasalukuyang silang nagtatayo ng iba’t ibang mga super health center sa buong rehiyon na malapit nang tumugon sa mga pangangailangan sa kalusugan ng mga tao upang matiyak na sila ay makakatanggap ng mga serbisyo sa pangunahing pangangalaga sa kanilang sariling lokalidad.

Kabilang sa mga ospital ng DOH na lumahok at nagbigay ng serbisyong medikal ay ang Region 1 Medical Center at Conrado F. Estrella Trauma and Medical Center.

Ang iba pang ahensyang dumalo at nagbigay ng suporta ay ang Department of the Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Public Attorney’s Office, Food and Drug Administration, ang Technical Education and Skills Development Authority, Commission on Higher Education at Department of Agriculture at ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan. | ulat ni Mildred Estrada-Coquia | RP1 Tayug

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us