DOLE, nakahandang tumulong sa mga apektadong Pinoy sa Israel na babalik ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma ang kahandaan ng kanyang ahensya pagdating sa mga programa o tulong na maaaring ibigay nito sa mga Pilipino na inaasahang babalik ng bansa matapos sumiklab ang giyera sa Israel.

Ayon kay Laguesma, bagamat Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration ang mga ahensya ng gobyerno ang nakatutok sa kapakanan ng mga OFW na uuwi ng bansa mula Israel ay nakahanda pa rin ang DOLE sakaling may kailanganing tulong ang DMW at OWWA.

Aniya, handa ang kanilang reintegration program, livelihood programs at maging facilitation ng mga trabaho sakaling kailanganin ng suporta ng ibang ahensya ng pamahalaan.

Base aniya sa pinakahuling tala ng DOLE, may 600,000 bakanteng trabaho sa bansa na maaring aplayan ng repatriated OFWs mula Israel. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us