Naghanda ng mga serye ng aktibidad ang Department of Science and Technology (DOST) Region IX sa isinagawang Halal Research Ecosystem for Development and Innovation (REDI) Tourism Program sa lungsod ng Zamboanga kamakailan.
Kabilang sa mga aktibidad ang 3rd quarter performance review kung saan iniulat ng Halal REDI Program team ang mga napagtagumpayan sa nagdaang mga quarter at tinalakay paano mapaunlad ang naturang programa sa susunod na mga taon.
Nagsagawa rin Halal mock audit sa piling restaurants sa lungsod kung saan sinuri ang mga Halal regulation at standards ng mga ito at ang best practices na maaaring i-adopt ng iba pang mga establisimiento sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Binisita rin ng team ang Muslim-friendly na mga destinasyon tulad ng mga mosque at tourist spot sa Zamboanga.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga technical staff ng Halal REDI Program mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Pinangasiwaan naman ng DOST-IX ang nasabing aktibidad bilang lead implementing office ng naturang programa. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga
Photo: DOST IX