DOTr, hinimok ang mga Japanese investor na mamuhunan sa transport infra projects ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ginanap na ika-50 anibersaryo ng Japan Chamber of Commerce and Industry of the Philippines, Inc. (JCCIPI), hinimok ng Department of Transportation (DOTr) ang mga Japanese investor na mamuhunan sa mga transport infrastructure projects ng Pilipinas.

Sa talumpati ni Transportation Secretary Jaime Bautista, pinasalamatan nito ang JCCIPI sa limang dekadang pagtutulungan sa sektor ng trade, commerce and industry sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Hinimok rin ni Bautista ang mga Japanese investor na patuloy na suportahan ang mga programa at proyekto ng DOTr.

Binigyang diin din ng kalihim ang matatag na kooperasyon ng pamahalaan, Embahada ng Japan sa Pilipinas, at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa iba’t ibang transport infrastructure projects sa bansa.

Kabilang na rito ang North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway, LRT Line 1 Cavite Extension, MRT Line 3 rehabilitation, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management System upgrade, at ang konstruksyon ng bagong Bohol-Panglao International Airport. | ulat ni Diane Lear

📷: DOtr

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us