DOTr, iniimbestigahan na ang alegasyon ng korapsyon sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniimbestigahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang umano’y korapsyon sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ito ay matapos na isiwalat ni Manibela Chairman Mar Valbuena na mayroon umanong katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) gaya ng pagbibigay ng lagay para mai-award ang prangkisa at ruta.

Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na pinaiimbestigahan na niya ang umano’y korapsyon at pinagpapaliwanag na rin si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III kaugnay dito.

Nanindigan naman ang kalihim na hindi niya kukunsintihin ang korapsyon sa DOTr at mga sangay na ahensya nito.

Tiniyak din ni Bautista na mananagot ang sinumang opisyal na mapatutunayang sangkot sa anumang katiwalian.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us