Dry run ng cashless toll collection sa mga toll plaza sa NLEX, aarangkada na ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula na ngayong araw, Oktubre 15 ang dry run ng cashless toll collection sa mga toll plaza sa North Luzon Expressway para gawin nang 100% RFID lane.

Sa abiso ng NLEX Corporation, kasama sa dry run ang Balintawak, San Simon Southbound Exit,

Porac at Floridablanca.

Magtutuloy-tuloy naman ang cashless collection dry run sa mga toll plaza sa:

 • Ciudad de Victoria NorthBound

 • Ciudad de Victoria SouthBound

 • Sta.  Rita NorthBound

 • Pulilan NorthBound

 • Pulilan SouthBound

 • San Simon NorthBound

 • Mexico

 • Dau SouthBound

 • Tabang

 • Angeles

 Samantala sa Subic-Clark-Tarlac Expressway o (SCTEX), kasama din ang

 • Dolores

 • SFEX Toll Plaza

Payo pa ng NLEX Corporation sa mga motorista, para sa maginhawang paglalakbay ay siguruhing nakakuha na ng libreng RFID at lagyan ng load ang iyong mga account. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us