DSWD at CWC ,inilunsad ang MAKABATA Helpline 1383

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ng Council for the Welfare of Children (CWC), ang MAKABATA Helpline 1383 .

Dahil dito, hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na maging kaisa ng gobyerno sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga vulnerable sector lalo na ng mga kabataan.

Dapat mabigyan sila ng mapagmalasakit na kapaligiran – malaya sa anumang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala.

Ang CWC – MAKABATA Helpline 1383 ang magiging pangunahing hotline na tutugon sa lahat ng alalahanin ng mga bata na sumasaklaw sa lahat ng uri ng paglabag sa mga karapatan ng bata.

Ang Council for the Welfare of Children ay attached agency ng DSWD.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us