DSWD, handa ring maglaan ng tulong sa pamilya ng nasawing hazing victim na si Ahldryn Bravante

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutulungan nito ang pamilya ng nasawing graduating student dahil sa hazing na si Ahldryn Bravante.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagbigay na ito ng direktiba sa kanilang field office para mapuntahan ang pamilya ng biktima at mabigyan ito ng tulong pinansyal.

Nilinaw ng kalihim na bagamat suspendido ngayon ang programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), hindi matitigil ang paghahatid ng tulong ng ahensya lalo na sa mga lubos na nangangailangan.

Sa ilalim ng Commission on Elections (COMELEC) guidelines, suspendido muna ang pamamahagi ng AICS mula October 20 hanggang sa October 30 maliban na lamang kung ito ay para sa pangangailangang gaya ng medical, educational, at burial assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us