DSWD, kinilala ang mga huwarang pamilya sa ginanap na 4Ps National Family Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginaganap ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 4Ps National Family Day 2023 sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Multipurpose Gym.

Ang 4Ps National Family Day ay isang taunang pagdiriwang na naglalayong palakasin ang adbokasiya ng programa at isulong ang halaga ng kalusugan at edukasyon sa mga mahihirap na household beneficiaries.

Sa temang: “Aluyan ng Katatagan at Pag-Asa”, ang pagdiriwang ngayong taon ay nagpapakita ng mga kwento ng tagumpay ng mga benepisyaryo.

Ito ay naglalarawan sa 4Ps bilang isang haligi ng pag-asa at katatagan sa pagkamit ng sariling kakayahan.

Ayon kay 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya, bahagi ng pagdiriwang ay gagawaran ng DSWD ang 17 huwarang Pantawid Pamilya mula sa iba’t ibang rehiyon.

Ang bawat regional winner ay makakatanggap ng plaque of recognition at cash incentive na P10,000 at iba pang premyo mula sa kani-kanilang DSWD Field Offices.

Hanggang Hunyo 30, 2023, saklaw ng 4Ps ang kabuuang 3,893,958 active household-beneficiaries sa 41,676 barangays sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us