DSWD, naghatid na rin ng tulong sa ikaapat na batch ng repatriates mula sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy sa paglalaan ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga Pilipinong inililikas mula sa Israel.

Kasama rin ang DSWD sa sumalubong sa ikaapat na batch ng repatriates na dumating sa bansa kahapon.

Karamihan sa mga ito ay hotel workers at caregivers.

Ayon sa DSWD, agad na tumanggap ng tig-₱10,000 cash relief assistance at ₱10,000 halaga rin ng food assistance ang 64 na overseas Filipinos.

Tiniyak rin ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na patuloy na susubaybayan ang mga umuwing Pinoy para mabigyan ng tulong lalo’t ang mga ito ay nawalan ng trabaho. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us