DSWD, nakiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ngayong araw ng wellness fair ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa DSWD Central Office, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2023.

Kasama sa mga serbisyong inaalok sa fair ang massage therapy, eye check-up, eyeglasses, at baked goods.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga empleyado sa kanilang mga nakatatandang miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng freedom wall.

Sa temang, “Pagpaparangal sa Napakahalagang Pamana ng Filipino Senior Citizens”, ang pagdiriwang sa buong bansa ng EFW ay pinangunahan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa pakikipagtulungan ng DSWD.

Ginanap ang kick-off ceremony kahapon sa SM Seaside sa Cebu City ng NCSC, kasama ang DSWD Field Office Central Visayas (FO-7).

Ang pagdiriwang ay magtatapos sa Sabado, na may pagkilala sa mga pangunahing katuwang na aktibong nagtaguyod sa kapakanan ng mga matatanda. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us