DSWD, patuloy na nagpapaabot ng tulong sa pamilya ng namatay na estudyante sa Antipolo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy sa pagbibigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng namayapang grade 5 student na si Francis Jay Gumikib.

Bilang karagdagan sa Php10,000 financial aid para sa medical bills ng namayapang si Francis, pinagkalooban pa ang pamilya nito ng guarantee letter mula sa DSWD na nagkakahalaga ng Php50,000 bilang burial assistance.

Bukod dito, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nagkaloob din ng Php 10,000 cash aid sa pamilya ang Office of Antipolo City 1st Congressional Rep. Roberto Puno.

Una nang ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Field Office 4-A Regional Director Barry Chua na magsagawa ng case management para sa pamilyang naulila at magbigay ng agarang tulong pinansyal para sa gastusin sa ospital at libing.

Nakatakda nang ihatid sa huling hantungan bukas ang mga labi ng 14-anyos na si Francis Jay.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us