Ginawaran ng Civil Service Commission (CSC) ng Certificate of Recognition ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa agarang pagtugon sa mga reklamong natatanggap sa Contact Center ng Bayan (CCB).
Napabilang ang DSWD sa 10 ahensya ng pamahalaan na may 100% resolution rate para sa taong 2022.
Tinanggap ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications at Spokesperson Romel Lopez ang iginawad na parangal bilang kinatawan ng ahensya.
Kasunod nito ay nagpasalamat si DSWD Asec. Lopez sa suporta ng CSC sa para mapagbuti ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.
“The DSWD thanks Director Agamata for her continuous support to the Department and the Agency Operations Service,” tugon ni Asst. Sec. Lopez.
Tiniyak rin ng DSWD ang patuloy na pakikiisa nito para mapaigting ang ugnayan sa CSC. | ulat ni Merry Ann Bastasa