DSWD, pinasinayaan ang New Press Center at inilunsad ang Viber Community Channel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na ang New Press Center (NPC) sa Department of Social Welfare and Development

Central Office para palakasin ang media relations at information dissemination efforts ng ahensiya.

Binigyang diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang kahalagahan ng NPC sa information drive ng ahensiya at pagpapatibay ng working relationship nito sa media.

Ipinakilala rin ni Gatchalian ang opisyal na Viber Community Channel ng DSWD na maaaring ma-access ng mga mamamahayag ang up to date at wastong impormasyon ng mga kasalukuyang proyekto, programa at serbisyo ng DSWD.

Ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, ang pagtatatag ng NPC ay inisyatiba ni Secretary Gatchalian.

Nanawagan din si Lopez para sa suporta ng media upang matulungan ang ahensiya sa isinusulong na social protection programs at services nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us