DSWD, tinulungan ang pamilya ng namayapang 5th grader na sinampal umano ng guro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ni Francis Jay Gumikib, ang Grade 5 student mula sa Antipolo City na namatay dahil sa umanoy pananampal ng kanyang guro.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, nagpaabot na ng tulong pinansiyal ang DSWD Field Office 4A sa naulilang pamilya para sa ipambayad sa ospital, pagpapalibing at iba pang panggastos.

Nagsagawa rin sila ng case management ang mga social worker para sa miyembro ng pamilya.

Ang batang si Francis Gumikib, isang estudyanteng naka-enroll sa Peñafrancia Elementary School, ay naospital matapos makaranas ng pananakit ng ulo at pananakit ng tainga. 

Batay sa medical examination, lumilitaw na nagkaroon ng internal brain bleeding ang bata na nagresulta para ma-coma at dahilan ng kanyang pagkamatay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us