DTI at isang lending company, nagkasundo para sa pagsusulong ng zero interest rate sa MSMEs sa Halal industry sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang kumpanyang DK P.O. Fulfillment Company, Inc.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, layon ng naturang MOU na mapalakas pa ang Halal industry sa bansa sa pamamagitan ng isang lending company na DK P.O Fulfillment Company Inc., na maghahatid ng non interest loans sa micro-, small-, and medium-sized enterprises (MSMEs) sa Halal industry bansa.

Dagdag pa ni Pascual, na kapag naisakatuparan na ang mga loan grant ng MSMEs sa naturang lending company ay mas mapapalawak pa nito ang kanilang mga puhunan at negosyo.

Kaugnay nito, umabot na sa P230 billion ang na-generate ng Halal industry sa trade and investments, at nakapaghatid na ng 120,000 na trabaho sa ating bansa.

Sa huli, muling sinabi ni Pascual ang patuloy na suporta ng DTI sa halal industry upang mas mapalago nito ang kanilang industriya. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us