DTI Chief, kinilala ang kahalagahan ng PPP sa pag-develop ng real estate at property sector sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng public at private sector kaugnay sa pagtugon sa kakulangan ng pabahay sa bansa.

Sa isinagawang Gala at Awards night ng Chamber of Real Estate and Builders’ Associations (CREBA) na ginanap sa Conrad, Manila, sinabi ng Kalihim na iisa ang pangarap ng gobyerno at CREBA na magbigay ng tahanan sa bawat pamilyang Pilipino.

Dito pinuri ng DTI Chief ang 5-point agenda ng CREBA na layong magtayo ng 500,000-unit ng pabagay taon-taon sa susunod ng 20 taon.

Tiniyak niya na tutulong ang DTI na mapabilis ang mga proseso ng regulasyon at matanggal ang mga hadlang sa pagkuha ng mga lisensya at permit para sa sektor ng real estate at property sector.

Ipinahayag din ni Sec. Pascual ang kanyang suporta sa programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtayo ng isang milyong unit ng pabahay taon-taon sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH).

Ayon kay Pascual, ang programang ito ay pagpapabago sa buhay ng milyon-milyong Pilipino na nangangailangan ng maayos at abot-kayang tirahan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us