Ikinatuwa ng Deprtment of Trade and Industry (DTI) ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 3-year Logistic Plan ng bansa.
Ayon kay (DTI) Secretary Alfredo Pascual layon ng naturang logistic plan na magkaroon ng maayos na logisitc plan ang buong bansa at mapabilis ang pagbiyahe ng mga pangunahing produkto sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim na kapag mapabilis ang pagbiyahe ng produtko ay mababawasan rin ang costing ng mga manufactures kapag naisagawa na ang naturang logistic plan.
Sa huli taos-pusong pasasalamat naman ang ipinahatid ni Secretary Pascual kay Pangulong Marcos sa paglagda sa 3-year Logistic Plan. | ulat ni AJ Ignacio