Nakatakdang repasuhin ng economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kasalukuyang revenue at growth prospect ng bansa, sa gitna ng mga panuklang batas na hindi maipapasa ngayong taon.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, magpupulong ang cabinet-level Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa October 19, upang pag-aralan ang economic performance ng bansa partikular ang inflation at paggasta ng gobyerno.
Sa weekly media press briefing ni Diokno, sinabi nito na may mga proposed measure na posibleng hindi maipasa ngayong taon.
Sa ngayon, ang tanging mga revenue-enhancing measures na umusad na sa Kongreso ay ang taxes sa digital transactions, single -use plastics at ease of paying taxes.
Ayon pa sa kalihim, kabilang din sa agenda ng DBCC meeting ngayong Oktobre ay ang pagkunsidera ng mga growth projection mula sa multilateral institutions. | ulat ni Melany Valdox-Reyes