Election paraphernalia para sa District 4,5 at 6, sinimulan nang ipamahagi ngayong araw sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagpatuloy ngayong araw ang distribusyon ng mga election paraphernalia sa Quezon City Hall para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections bukas.

Ang pamamahagi ng mga kagamitan ay para sa polling precints sa District 4, 5 at 6.

Pagkatapos makuha sa City Hall ay inihahatid ang mga guro ng mga sasakyan kasama ang escort na pulis at traffic enforcer.

Ayon sa Commission on Election-Quezon City (COMELEC-Quezon City), tatapusin ang pamamahagi ng mga balota hanggang mamayang alas-7:00 ng gabi.

Kahapon, pinasimulan ang distribusyon ng election paraphernalia sa District 1,2 at 3.

Sa kabuuan ay naging maayos at sistematiko ang pamamahagi nito simula pa kahapon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us