Embahada ng Pilipinas sa Israel nagbahagi ng mga alituntunin ng Israel Homefront Command tuwing may infiltration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinihagi ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga alituntunin ng Israel Homefront Command tuwing may infiltration o pagsalakay ng mga armadong grupo sa kanilang teritoryo.

Ayon sa Israel Homefront Command, ang mga sumusunod ay dapat gawin ng mga mamamayan kapag may infiltration:

* Pumasok agad sa isang gusali, isara at i-lock ang mga pinto at bintana, at patayin ang mga ilaw.

* Huwag umalis sa gusali hanggang sa makatanggap ng mensahe na naresolba na ang infiltration.

* Ipinagbabawal ang pagdaan ng mga sasakyan sa lugar.

* Kapag nasa sasakyan, ihinto ang sasakyan at agad na pumasok sa isang gusali, isara at i-lock ang mga pinto at bintana, at patayin ang mga ilaw. Huwag umalis sa gusali hanggang sa makatanggap ng mensahe na nagsasaad na naresolba na ang infiltration.

* Maging maingat at mapagmatyag, umantabay sa mga update at advisory mula sa mga awtoridad, Embahada, at mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon.

Ang nasabing mga alituntunin ay inilabas ng Israel Homefront Command upang maprotektahan ang kaligtasan ng kanilang mga mamamayan mula sa anumang banta ng karahasan.

Ito ay matapos isailalim sa “State of War alert” ang bansang Israel matapos ang sopresang pag-atake ng grupo ng Palestinian Hamas sa kanilang bansa.

Sa ngayon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) walang Pilipinong casualty sa nangyayaring hidwaan sa Israel.

Habang ang Philippine Embassy sa Israel ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga community leaders sa ground.

Dito naman sa Pilipinas, ay nag-set up na ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng 24/7 Task Force Israel Desk para sa mga OFW sa Israel at kanilang mga pamilya. Mangyaring tumawag sa Hotline +63 2 1348. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us