Nangako ang embahada ng Pilipinas sa Israel sa mga pamilya ng nasawing OFWs sa Israel na tutulong sila sa agarang pag-uwi ng mga labi nito sa Pilipinas at pagsiguro na makatatangap ng tulong pinansyal sa national government.
Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa Israeli government upang agarang ma-retrieve ang mga katawan ng mga OFW at maiuwi na sa Pilipinas.
Samantala, patuloy pa rin ang kanilang pagmo-monitor sa iba pang mga Pilipinong nawawala at bineberipika pa ng kanilang tanggapan ang isa pang Pilipino na napaulat na nasawi at kasalukuyang dumadaan sa DNA test. | ulat ni AJ Ignacio
📸: Agence France-Presse