Pinag-iingat ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga kababayang Pilipino sa naturang bansa.
Ito’y dahil sa posibleng pagsama ng Lebanese Militant Group na Hezbollah sa grupong Hamas laban sa Israeli forces.
Ayon kay Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat, batay sa kanilang monitoring ay nagmomobilisa na rin ang grupo ng Hezbollah para makisimpatiya sa Hamas.
Dahil dito, sinabi ni Balatbat na regular na nilang pinupulong ang Filipino Community doon.
Sa katunayan aniya, binuksan na rin ng Embahada ang aplikasyon para sa repatriation ng humigit kumulang 17,500 Pilipino sa Lebanon.
Kaya naman muling nanawagan ang embahada sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Lebanon na iwasang magtungo sa mga lugar na malalapit sa gulo para na rin sa kanilang kaligtasan. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: Philippine Embassy in Lebanon