๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Nagpalabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na dahil sa delikadong sitwasyon ngayon sa Israel, inirekomenda nila na lahat ng paglalakbay mula sa Pilipinas patungo ng bansa ay ipagpaliban na muna o hanggang ang sitwasyon doon ay nag-normal na.
Sa kasalukuyan, nananatiling bukas ang Ben Gurion International Airport para sa paglalakbay mula sa Israel patungo sa Pilipinas.
Pinapayuhan din ng embahada na makipag-ugnayan sa kanilang mga travel agencies para tignan kung mayroong mga flight cancellations.
Patuloy ang pakikipaglaban ng Israel Defense forces sa mga Palestinian militants kung saan hindi bababa sa 350 tao ang namatay at mahigit 1,500 naman ang sugatan sa Israel, habang hindi bababa sa 313 ang nasawi at halos 2,000 na ang sagutan sa panig ng Palestine.
Una nang sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na maghihiganti ang bansa dahil sa pagsalakay ng Hamas at binalaan na magiging matagal at mahirap ang giyera.ย | ulat ni Leo Magpayo
๐ธ: PNA