Agusan del Norte Electric Cooperative (ANECO) ipinakalat ang emergency line crews sa pagsiguro na inspeksiyon ng maayos lahat ng linya ng kuryente.
Puspusan rin ang clearing operations upang matiyak na walang mga sanga ng puno na posibleng makasagabal na sanhi ng pagka-putol ng kuryente sa polling precincts.
Ayun kay ANECO General Manager Engr Darwin Daymiel, seyento por seyento nang handa ang ANECO at sinisiguro sa publiko na sapat ang suplay ng kuryente sa Butuan at buong probinsiya ng Agusan del Norte
Aktibo na rin ang binuong Power Election Task Force at plastado na ang lahat ng mga ipapatupad na hakbang upang maiwasan ang mga di inaasahang power outages na makakaapekto sa bilangan ng boto at proklamasyon ng mga mananalong kandidato. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan
📸 ANECO