Energy Regulatory Commission, naglabas ng bagong guidelines sa pagkuha ng Certificate of Compliance para sa mga power generation facility

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng 2023 Revised Certificate of Compliance Rules para sa mga power generation facility.

Layon nitong gawing simple ang regulatory process sa pagkuha ng COC para sa mga power generation facility.

Ang COC ang lisensyang ibinibigay ng ERC sa isang indbidwal o instistusyon para makapag-operate ng bagong generation facilities.

Sa ilalim ng bagong panuntunan, hindi na kailangangang i-renew ng mga power generation facility ang COC kada limang taon.

Nakapaloob din dito ang listahan ng mga rekisitos para sa pag-aapply ng COC sa iba’t ibang entities gaya ng generation facilities, distribution utilities, self-generation facilities, at iba pa.

Sasailalim din sa evaluation process ng ERC ang mga nag-apply ng COC alinsunod sa Energy Virtual One-Stop Shop Act.

Ayon sa ERC, isang positibong hakbang sa energy sector ang 2023 Revised Certificate of Compliance Rules na makatutulong na matiyak ang energy security sa bansa.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us