EO 41 ni Pangulong Marcos Jr., suportado ng ARTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Buo ang suporta ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa inilabas na Executive Order No. 41 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagsususpinde sa paniningil o “pass-through fees” sa lahat ng national roads upang maging maayos ang daloy ng mga kalakal sa bansa.

Sa naturang EO, kasama ang ARTA sa inaatasang mag-evaluate sa umiiral na mga ordinansa kaugnay ng koleksyon ng pass-through fees ng LGUs at magbalangkas ng Implementing Guidelines ng EO 41.

Sa isang pahayag, sinabi ni Secretary Perez na nagpapasalamat ito sa Pangulo sa pag-apruba ng EO 41 na nagpapatibay sa ARTA-DILG-DOF Joint Memorandum Circular (JMC) sa pagbabawal na maningil ang LGU ng mga iligal na pass-through fees at taxes sa lahat ng sasakyan na nagdadala ng paninda at kalakal.

Nagpasalamat din ito kay DTI Secretary Alfredo E. Pascual sa pagrerekomenda nito ng hakbang sa Pangulo.

Naniniwala naman ang ARTA chief na makatutulong ang direktiba ng Pangulo upang

mas maging mabisa ang daloy ng mga paninda at kalakal at upang mas sumigla ang lokal na industriya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us