EO na nagdedeklara sa ‘Walang Gutom 2027’ bilang flagship program ng administrasyong Marcos, welcome sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iisyu ng Malacañang ng Executive Order (EO) No. 44 na kumikilala sa ‘WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP)’ bilang isa nang flagship program ng administrasyong Marcos.

Sa ilalim ng EO 44, minamandato ng Malacañang ang DSWD na pangunahan ang implementasyon ng FSP.

Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez na ikinalulugod nila sa kagawaran na pangunahan ang flagship program ng Pangulong Marcos Jr. kontra kagutuman.

Makakaasa aniya ang Pangulo na pagsusumikapan nilang maitaguyod ang programa at masigurong magiging epektibo ito at makatulong sa maraming mahihirap na Pilipino.

Agad din aniyang kikilos ang DSWD technical working group (TWG) para sa pagbuo ng implementing rules and regulations sa EO 44.

Matatandaang nitong Hulyo lang nang ilunsad ng DSWD ang food stamp program sa Tondo, Maynila na sinundan ng pagpapatupad nito sa Siargao Island noong Setyembre.

Sa ilalim ng FSP, nagbibigay ang DSWD ng electronic benefit transfer na nagkakahalaga ng P3,000 sa kada pamilya upang ipambili ng mga benepisyaryo ng mga masusustansyang pagkain mula sa DSWD accredited local retailers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us