Executive Secretary Lucas Bersamin at mga lider ng transport group na Magnificent 7, nagpulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin at mga lider ng transport group na Magnificent 7 at Mighty 1 sa Malacañang.

Layon ng naturang pulong na talakayin aang iba’t ibang issue sa land transport sector sa bansa.

Kabilang din sa mga dumalo sa pulong sina Transportation Secretary Jaime Bautista, Communications Secretary Cheloy Garafil, at mga lider ng Pasang Masda, LTOP, ALTODAP, Stop & Go, ACTO, FEJODAP, at NAFUVEXI.

Ayon kay Bautista, pinakinggang maigi ni Bersamin ang mga hinaing ng naturang transport coalition, at nangako itong tutulungan ang mga PUV driver at operator.

Dagdag pa ni Bautista, na isang magandang hakbang ito sa pagpapabuti ng land transport sector at tiniyak naman nito sa mga transport group na makikinig ang pamahalaan sa kanilang mga hinanaing.

Kabilang din sa napag-usapan, ang pahirapan na makapag-loan ng mga transport cooperative sa mga bangko ng gobyerno gaya sa Development Bank of the Philippines (DBP) at Landbank of the Philippines (LBP) na magagamit sana para sa modernization ng PUV.

Sa panig naman ni Bersamin, siniguro nitong kakausapin niya ang Presidente at CEO ng DBP at LBP upang matugunan ang problema. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us