February 25, ipinadedeklara bilang regular national public non-working holiday

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ngayon ni Liberal Party President at Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang House Bill 9405 na layong ideklara bilang regular national public non-working holiday ang February 25.

Ito ay upang ma-institutionalize ang pag-alala at selebrasyon ng EDSA People Power.

Muling bubuo ng isang EDSA Commission salig sa una nang nilagdaang Executive Order No. 82 noong 1999 na siyang mangunguna para sa pagpa-plano at pagpapatupad ng mga programa para gunitain ang mapayapang people power.

Ang Executive Secretary ang magsisilbing Chairperson ng naturang komisyon habang magiging miyembro naman ang mga kalihim o chairperson ng DILG, DOLE, National Historical Commission of the Philippines, Commission on Human Rights, Human Rights Violation Victim’s Memorial Commission, Families of Victims of Involuntary Disappearance, Task Force Detainees of the Philippines, Philippine Alliance of Human Rights Advocates at kinatawan mula pribadong sektor at akademya.

Paglalaanan naman ng P10 milyon ang operasyon ng komisyon.

Ayon kay Lagman, bagamat natagalan bago naghain ng panukala, umaasa ito na sa pamamagitan nito, sinumang maupong pangulo ay masisiguro ang pag-alala sa EDSA People Power Revolution. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us