Upang matiyak na well represented ang mga Filipina entrepreneurs, dalawa sa malalaking pangalan sa business organization sa bansa ang kakatawan sa Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Bilang paghahanda sa Philippine chairmanship ng ASEAN sa 2026, lumagda ng “collaboration” ang Women’s Business Council Philippines Inc. (WomenBiz) at Philippine Women’s Economic Network (PhilWEN).
Ang naturang partnership ay nilagdaan kamakailan sa pangunguna ni ASEAN Business Advisory Council (ASEAN BAC) Philippines Chairman Joey Concepcion.
Kumpiyansa si Concepcion na ang kasunduan ay magreresulta ng mas “inclusive representation ng mga Filipina entrepreneurs sa rehiyon.
Umaasa ang opisyal na mas marami pang women organization ang makiisa at kakatawan sa Pilipinas sa ASEAN at maging mentor ng mga MSME.
Anya, bibigyang daan ng kolaborasyon ang marami pang aktibidad para suportahan ang mga women entreprenuers sa bansa at maging bahagi ito ng legasiya ng Pilipinas sa nakatakdang ASEAN chairmanship sa 2026. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes