Matatag ang pangarap ni Finance Secretary Benjamin Diokno na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng mahusay na pangangasiwa ng pondo at lumalagong ekonomiya.
Sa isanng eklusibong panayam sa Peoples Asia Magazine, ibinahagi ng kalihim ang kanyang pangarap na makitang matatag ang Pilipinas bilang pangunahing ekonomiya sa Asia Pacific.
Aniya, kabilang sa itinutulak ng economic managers ang pagbawas ng kahirapan, pagkakaroon ng maraming trabaho, at mas malusog na mamamayan.
Kaya aniya ganun na lamang ang pagsusumikap ng Administrasyong Marcos Jr. na makamit ang layunin na Medium Term Fiscal Framework, na ‘north tar’ o gabay ng gobyerno para makamit ang economic growth ng Pilipinas.
Si Diokno ay beteranong ekonomista at naglingkod sa gobyerno sa apat nang administrasyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes