Magsisilbing inspirasyon ng Pilipinas ang bansang Finland para sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ito ang inihayag ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte nang makipagpulong siya kay Finland Ambassador to the Philippines Markus Pyykko nang magsagawa ito ng courtesy call.
Ayon kay VP Sara, naging mabunga naman ang pagpupulong nila ng Embahador kung saan, natalakay din dito ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Finland
Dagdag pa ng Pangalawang Pangulo, kabilang na rito ang pagbubukas ng mga honorary consulate ng Finland sa Cebu at Davao na magdadala naman ng mas malawak na oportunidad sa kalakalan at kultura.
Sa larangan naman ng edukasyon, sinabi ni VP Sara na kilala ang Finland sa kanilang natatanging reputasyon bilang isa sa mga pinakamahusay sa sektor ng edukasyon, ay pwedeng paghugutan ng inspirasyon
Nagtala kasi sila ng mataas na ranggo sa mga pandaigdigang pagsusuri tulad ng Program for International Student Assessment, na nagpapatunay sa kanilang kahusayan. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: OVP