Inilunsad ngayong araw ng Department of Agriculture (DA) ang Food Safety Awareness Week 2023, na may tema ngayong taon na, “Pagkaing ligtas, masustansiya, at sapat, susi sa magandang kalusugan ng lahat.”
Layon ng selebrasyon na paigtingin ang kamalayan ng publiko, at ang pakikilahok sa mga pagsisikap ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagtataguyod ng kaligtasan sa pagkain.
Ang taunang pagdiriwang ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 160, series of 1999.
Ayon kay DA Undersecretary Mercedita Sombilla, pinasimulan ang selebrasyon sa paglulunsad ng isang linggong exibit sa DA Main Lobby ng iba’t ibang food products, information materials, at display tungkol sa food safety-related projects at inisyatiba ng departmento. | ulat ni Rey Ferrer