Isinailalim na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang Gaza sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation dahil sa kasalukuyang kaguluhan doon. Ibig sabihin nito, kailangan nang umalis ng Gaza ang lahat ng mga Pilipino na nandoon.
Sa ngayon, nakapag-account na ang Philippine Government ng 131 na Pilipino sa Gaza, at hindi bababa sa 78 sa kanila ay nasa malapit na sa Rafah border crossing papuntang Egypt. Ang lahat ng iba pa ay nakalabas na ng northern Gaza o Gaza City, na inaasahang maging sentro ng kaguluhan.
Ayon sa DFA, Patuloy na gumagawa ng paraan ang Philippine Government para ma-repatriate ang ating mga kababayan at magbibigay ng mga update sa mga pangyayari. | ulat ni EJ Lazaro