Iginiit ngayon ni Finance Secretary Benjamin Diokno na doble kayod ang gobyerno upang maibsan ang epekto ng inflation.
Ito ay kasunod ng inilabas na September inflation, kung saan pumalo ito ng 6.1 percent kumpara sa 5.3 percent noong Agosto.
Ayon kay Diokno, hands on ang gobyerno para matiyak na nasa tamang polisiya at programa ang tinatahak ng bansa.
Aniya, mahalaga ito para tama ang mekanismo na tugunan ang tumataas na presyo ng pangunahing bilihin.
Samantala ayon sa kalihim, sa ngayon nagsasagawa ang pamahahalaan ng mga hakbang para maibsan ang epekto ng inflation sa energy and water cost, at pagrepaso sa wage at fare hike. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes